Sigarilyong di maubos
Written on July 9, 2006 – 10:59 pm | by nalen
(ninenok ko ang ideya kay eric)
Kahit takot akong magyosi dahil baka mangalawang ang bagong kabit na
alambre sa ngipin ko nagyosi pa rin ako. Hindi ko mapigil eh
magdadalawang linggo na kaya akong hindi nakakahithit ng nikotina.
Hindi naman ako chain smoker. Nagkaroon lang ng panahon na pag
nakaharap ako sa kompyuter ilang sunud-sunod na sindi ng yosi ang
ginagawa ko. Ewan ko kung naamoy ako sa kabilang kwarto pero keber ko
ba. Madalas naman ay tulog na sila sa kabila pag nagkokompyuter ako.
Hindi ko alam kung nakikita ba ng nanay ko iyong mga upos ng
sigarilyo sa may bubungan sa labas ng kwarto ko. Hindi ko rin alam kung
nagtatanong ba siya sa sarili kung kanino ang mga upos na iyon kung
sakali ngang nakita niya ang mga basurang iyon. Doon ko lang tinatapon
yung mga pinagupusan ko kapag tinatamad akong lumabas ng kwarto.
Pero noong minsan, kandarapa ako akong umakyat ng bubungan ng
katabing bahay na may dalang walis at pandakot. Kinakabahan na rin ako
e, baka mamaya pagsimulan na naman ng isang mahaba-habang litanya na
hindi mo alam kung saan matutuldukan.