Isang Imbitasyon


Written on July 4, 2006 – 3:25 am | by nalen

    “If you would be a reader, read; if a writer,write”

Makikita ang mga katagang ito sa pagpapakilala ng isang bagong komunidad na binuo ng mga bloggers o manunulat na kinakitaan ng disiplina sa pagsasalaysay, kwento o tula.

Ilang araw na akong naglilibo’t sa mga kaibigang blogger na mayroong angking talino sa pagsusulat upang manghimok/manghikayat na ibigay ang kaunting panahon upang lumahok at mag-ambag ng piling pyesa ng kanilang literatura.

Para sa akin isa itong magandang panimula sa paghuhulma ng talento/kakayahan ng mga bagong usbong na manunulat/artista ng malikhaing sining. Dito itatakda ng isang indibidwal  na mapa-unlad ang kanyang sarili sa larangan ng literatura.

Inaanyayahan ko kasama na ng mga iba pang myembro ang iba pa na blagerista at hindi blagerista na lumahok at magpa-usbong ng bagong mukha ng literatura sa pamamagitan ng pagbablog.

Ang Pinoy Underground ay ang pinagsama-samang malayang kamalayan ng mga manunulat at gustong maging manunulat.

Maari kayong mag rehistro upang makakuha ng username at password, at makaasa po kayong sama-sama tayong magpapalago sa iisang interes at iyan ay ang pagsusulat.

Marami pang entry dito



Post a Comment