pyesta
Written on June 21, 2006 – 12:37 pm | by nalen
Paano mo iisnabin ang isang malaking pyestahan? at paano mo ipagwawalang bahalang daluhan ang bahay ng may pinakamaraming handa kung madalas kang kalamin ng sikmura?
yun nga lang ang isang pyesta, umaapaw man ang handa ay pansamantala lang naman ang hatid na kabusugan at pang-alis uhaw
pagkatapos ng pyesta uhaw ka na naman….gutom ka na naman…
maghihintay ka na naman ng isa pang malaking pyesta…..
sana lang sa susunod na pyesta may bagong putahe
na makakasagot sa napakahabang panahon ng tag-gutom
para hindi ka na magmumukhang timawa pag walang pyesta
para hindi ka na magmumukhang hilong talilong sa katatanong kung saan ulit may pyesta
para hindi ka na magtatanong kung sino ba ang may pinakamasarap at pinakamaraming handa pag may pyesta
para hindi ka na aasa pa sa susunod na pyesta
more blog entries here