Nasaan na nga ba ang lapis
Written on June 6, 2006 – 10:45 pm | by nalen
Isa sa paulit-ulit na kinukwento ni nanay
sa akin ay noong nagsisimula pa lang ako sa unang baitang sa
elementarya. Hawak ang lapis at papel nagtatanong daw ako kay nanay
kung paano nga ba isulat ang isang letra sa abakada. Medyo naiinis na
ata si nanay dahil ilang beses na daw sa akin itinuro ay hindi ko pa
rin makuha.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinulat ang isang letrang iyon sabay sabing “ganito o ganito ganito!”